Linggo, Setyembre 10, 2017


              Hindi natin ipagkakaila na marami pang paaralan ang kulang pa sa kagamitan upang matuto ang mag-aaral. Hindi kagaya sa ibang paaralan na malapit lang sa siyudad na kung saan ay nabibiyaan sila ng maraming gamit upang matuto ang studyante at isa sa problema ng mga guro sa probinsyang paaralan ay kulang ng kagamitan. Karaniwan pa nga ay mismo pa ang guro ang kukuha ng sariling pera para lamang myroong pambili ng lapis, papel at iba pa upang may magamit ang estudyante dahil na rin sa kahirapan .Sa ganitong mabukid na lugar nang iyong pinanggalingan ay malabo talagang magkakaroon ng internet at kung magkakameron man ay hindi ito magiging madala.



        Ako ay produkto ng isang publikong paaralan na salat sa makabagong kagamitan katulad ng kompyuter. Nakakaawang sabihin nung nasa hayskol ako ay hindi ako marunong gumamit ng kompyuter. Nung tumuntong ako ng kolehiyo ay nahirapan talaga ako kung paano ako matuto sa paggamit ng kompyuter. Hanggang sa kalaunan ay natuto rin ako kahit ito ay basic lamang. Ngunit kahit ganoon ay hindi ito nagiging hadlang upang ako ay matuto sa aming leksyon dahil may libro naman kami at mayroon din kaming mock-ups sa subject na science. Ang kahit huli na kami sa uso ay ginagawa ang lahat ng mga guro na kahit papaano ay mayroon kaming ideya tungkol sa makabagong teknolohiya. Mas maganda sana kung mayroong power point presentation na ginagamit ng guro para naman ay hindi magiging boring at magkakaroon din sana ng interaction na nagaganap sa isang klase kaya ang nangyari kadalasan ay natutulog ang ilan sa amin,pero wala kaming magagawa dahil nga ang layo namin sa kabihasnan at maraming bundok ang lalakarin mo papunta lamang sa paaralan. 


          
        
             Base nalang sa larawan sa itaas ay wala silang kaanumang teknolohiya ngunit mayroon pa ring medya na pweding gamitin upang matuto sila gaya na lamang ng chalk,black board na kadalasan ay ginagamit sa probinsyang lugar at pwede rin na mag field-trip sa labas ng klasrum upang sila ay makakita ng real objects gaya ng halaman at doon ituturo kung anong uri iyon ng halaman at kung ano pa ang available na pwede nilang pagkukunan ng kaalaman. Marami ang alternatibong gawin upang mapagtagumpayan mo ang iyong mga layunin kahit hindi ka gumagamit ng kompyuter sa pagtuturo.  Dapat ay gumamit ka ng kagamitan na akma sa iyong layuni. Bilang isang guro sa hinaharap kung ako man ang madestino sa mabukid na lugar at walang anong makabagong kagamitan kagaya ng kompyuter o ano paman. Nakakaawaang isipin na mayroon talagang lugar ganito pero kahit ganoon ay gagawin ko ang lahat upang maturuan ko sila at kahit papaano ay mayroon din silang matutunan. Kung wala ang kompyuter o anumang makabagong kagamitan ay gagamit ako ng libro, journal, magasin o kahit anumang gamit ng paaralan na mayroon sila. Kasi ang guro rin ay kailangang maging resourceful sa kagamitan  upang makuha ang atensyon ng mag-aaral. Hindi lamang ako magsusulat parati kailangan din na gamitin ko rin ang natutunan ko sa paggawa ng visual aids na kung saan ay magiging interesado silang makikinig sa akin.



            

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

              Hindi natin ipagkakaila na marami pang paaralan ang kulang pa sa kagamitan upang matuto ang mag-aaral. Hindi kagaya sa iban...