Hindi
natin ipagkakaila na marami pang paaralan ang kulang pa sa kagamitan upang
matuto ang mag-aaral. Hindi kagaya sa ibang paaralan na malapit lang sa siyudad
na kung saan ay nabibiyaan sila ng maraming gamit upang matuto ang studyante at isa sa problema ng mga guro sa probinsyang paaralan ay kulang ng kagamitan. Karaniwan pa nga ay mismo pa ang guro ang kukuha ng sariling pera para lamang myroong pambili ng lapis, papel at iba pa upang may magamit ang estudyante dahil na rin sa kahirapan .Sa ganitong mabukid na lugar nang iyong pinanggalingan ay malabo talagang magkakaroon ng internet at kung magkakameron man ay hindi ito magiging madala.
Ako ay produkto ng isang publikong paaralan na salat sa makabagong kagamitan katulad ng kompyuter. Nakakaawang sabihin nung nasa hayskol ako ay hindi ako marunong gumamit ng kompyuter. Nung tumuntong ako ng kolehiyo ay nahirapan talaga ako kung paano ako matuto sa paggamit ng kompyuter. Hanggang sa kalaunan ay natuto rin ako kahit ito ay basic lamang. Ngunit kahit ganoon ay hindi ito nagiging hadlang upang ako ay matuto sa aming leksyon dahil may libro naman kami at mayroon din kaming mock-ups sa subject na science. Ang kahit huli na kami sa uso ay ginagawa ang lahat ng mga guro na kahit papaano ay mayroon kaming ideya tungkol sa makabagong teknolohiya. Mas maganda sana kung mayroong power point presentation na ginagamit ng guro para naman ay hindi magiging boring at magkakaroon din sana ng interaction na nagaganap sa isang klase kaya ang nangyari kadalasan ay natutulog ang ilan sa amin,pero wala kaming magagawa dahil nga ang layo namin sa kabihasnan at maraming bundok ang lalakarin mo papunta lamang sa paaralan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento